Luz oliverios belardo autobiography of miss fortune
Si Luz Oliveros-Belardo ang natatanging alagad ng pytho-chemistry sa Pilipinas. Ang kaniyang mga pag-aaral hinggil sa kemikal na komposisyon ng mga katutubong halaman sa bansa ay nagbigay daan sa paglikha ng mga medisinang herbal, natural na pampalasa, pabango, pestisidyo, at panggatong na langis. Siya ang tumuklas ng 40 bagong mahahalagang langis mula sa katas ng mga halaman.
Nagsagawa rin siya ng masinsing pag-aaral kung paano magagamit ang enzymes ng papaya bilang botanikal na gamot. Ipinakita niya na maaaring gumawa ng natural na sabon gamit ang langis ng niyog.
Luz oliverios belardo autobiography of miss fortune: In Dr. Luz Belardo's
Iginawad sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Agham noong Napukaw ang interes ni Belardo sa mga halamang gamot dahil sa obserbasyon niya sa ginagawang panggagamot ng mga albularyo. Napansin niya na halaman ang pangunahing ginagamit ng mga ito. Una niyang pinag-aralan ang mga kemikal at parmasiyutikal na katangian ng halamang tanglad.
Nadiskubre niya na nagtataglay ito ng mahalagang kemikal na may kakayahang labanan ang pagtaas ng presyon ng dugo. Siya ang unang siyentista sa Timog Silangang Asia na nagsagawa ng kemikal na pag-aaral sa halamang sitsirika. Natuklasan niya na mayaman ito sa alkaloid, fatty acid, at mahalagang langis na maaaring gamiting panglunas sa maraming uri ng sakit.